Disaster response units ng Philippine Army naka-preposisyon na rin sa Northern Luzon

Kasunod nang pananalasa ng Bagyong Florita sa Northern Luzon, naka-standby na rin ang mga disaster response teams ng 5th Infantry Division ng Philippine Army.

Ayon kay Philippine Army Spokesperson Col. Xerxes Trinidad, naka-deploy na ang Humanitarian and Disaster Relief (HADR) teams ng 501st Brigade ng 5th Infantry Division sa Lal-lo, Lasam; Rizal, Cagayan; at Flora, Apayao.

Habang ang mga HADR teams ng 77th Infantry Battalion at 17th Infantry Battalion ay naka-standby sa mga bayan ng Alcala, Baggao, Gattaran, at Santa Teresita, Cagayan.


Nagpadala na rin ng HADR team ang 502nd Infantry Brigade sa Echague, Isabela gayundin ang HADR team ng 86th Infantry Battalion at 95th Infantry Battalion sa Jones, San Mariano at Ilagan, Isabela.

Naka-pwesto na rin ang team ng 503rd Infantry Brigade sa Kalinga province.

Bukod dito sinabi ni Col. Trinidad na naka-alerto rin ang reservists ng 202nd, 203rd at 204th Community Defense Centers ng 2nd Regional Community Defense Group para sa posibleng rescue and relief efforts sa Isabela, Quirino at Nueva Vizcaya.

Facebook Comments