Paglalayag ng mga barko, hindi suspendido sa kabila ng Bagyong Florita

61

Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na hindi suspendido ang paglalayag ng mga sasakyang pandagat sa kabila ng banta ng Bagyong Florita.

Wala ring na-monitor ang PCG na mga stranded na pasahero ng barko.

Sa kabila nito, naka-full alert status ang Coast Guard para matiyak ang kaligtasan ng mga residente sa posibleng epekto ng bagyo.


Nakahanda rin ang rubber boats at iba pang rescue equipment ng Coast Guard.

Facebook Comments