Discount sa singil at exemption sa VAT sa binabayarang singil sa tubig at kuryente ng mga senior citizen, lusot na sa ikalawang pagbasa

Pinagtibay na sa ikalawang pagbasa sa plenaryo ng Kamara ang House Bill 10568 na layong bigyan ang mga senior citizen ng mataas na diskwento at ilibre sa pagbabayad ng VAT sa singil sa kuryente at tubig.

Sa viva voce voting ay nakalusot ang panukala na may layuning amyendahan ang (Section 4) Republic Act 7432 o Expanded Senior Citizens Act of 2021.

Kapag tuluyang naisabatas ay itataas sa 10% ang diskwento sa buwanang binabayarang kuryente at tubig ng mga senior citizen at i-e-exempt din ang mga ito sa pagbabayad ng VAT.


Kailangan lamang na ang metro ng kuryente at tubig ay dapat nakarehistro sa pangalan ng senior citizen, at hindi naman hihigit sa 150 kWh ang kunsumo sa kuryente habang hanggang 30 cubic meters naman sa tubig.

Ang nasabing pribilehiyo ay para sa kada “household” kahit ilan pa ang senior citizen at kung ang rehistradong nakatatanda ay patuloy na nakatira sa naturang tahanan o address.

Facebook Comments