DOH, tiniyak na tatalima sa “No Lockdown Directive” ni PBBM

Tiniyak ni Department of Health (DOH) Officer-in-Charge Undersecretary Maria Rosario Singh-Vergeire na tatalima sila sa mga direktiba ng Pangulong Bongbong Marcos hinggil sa pagtugon sa COVID-19.

Kabilang dito ang hindi pagpapatupad ng lockdowns sakaling tumaas ang kaso ng infection.

Tiniyak din ni Vergeire ang pagpapaigting sa pagbabakuna kontra COVID-19.


Inihayag din ng DOH na bagamat marami ngayon ang tinatamaan ng Omicron subvariants, karamihan aniya sa mga ito ay mild cases lamang at gumagaling na lamang sa kanilang mga tahanan.

Tiniyak din ng opisyal ang pag-deploy sa iba’t ibang bahagi ng bansa ng mga kagamitan sa paglaban sa COVID-19.

Facebook Comments