Pagsulong ni PBBM ng ROTC at NSTP, suportado ng PNP

106

Suportado ni Philippine National Police (PNP) Director for Operations Police Maj. General Valeriano de Leon ang planong pagsusulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ng Reserve Officer Training Course (ROTC) at National Service Training Program (NSTP).

Matatandaang sa SONA ng pangulo kahapon, sinabi nito na ang pagsulong ng dalawang programa para senior high school students ay kabilang sa mga prayoridad ng Marcos administration.

Ayon kay Gen. De Leon, sang-ayon siya sa sinabi ni Pangulong Marcos na kailangang ma-engganyo at masanay ang mga estudyante para handa silang sa anumang sakuna at sa pagtatanggol sa bayan.


Aniya, mahalaga ang disaster preparedness dahil malimit na makaranas ang bansa ng mga bagyo at iba pang mga kalamidad.

Makakatulong din aniya ang ROTC at NSTP para ma-develop ang leadership, disiplina at pagmamahal sa bayan ng mga estudyante.

Facebook Comments