Doktor na hindi nakasuot ng face mask, inaresto sa Cainta, Rizal

Nakapagpiyansa na ang isang doktor ng halagang P6,000 makaraang masita ng mga pulis sa hindi nito pagsusuot ng face mask sa checkpoint sa Ortigas Avenue Extension sa Barangay Sto. Domingo, Cainta, Rizal.

Kinilala ang doktor na si Dr. Jayson Parina, 35-anyos, isang Vascular and Interventional Radiologist ng St. Luke’s Medical Center at residente ng 103 B. Sampaguita St., Bayanihan Village Barangay San Isidro, Cainta, Rizal.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon ni Pol. Cpl. Mark Joseph Felezario, noong April 4 ng alas-7:30 ng umaga, dumaan ang naturang doktor sa kanilang checkpoint at napansin ng mga otoridad na hindi ito nakasuot ng face mask.


Pinagsabihan ang doktor pero nagalit pa umano ito at nakipagtalo sa mga otoridad.

Palusot ng doktor, na exempted umano sila sa pagsusuot ng face mask.

Si Dr. Parina ay sinampahan ng kasong oral defamation at paglabag sa Article 151 ng Revised Penal Code.

Facebook Comments