DPWH, nakapag-turnover na ng quarantine facility sa Kabankalan City

Natapos na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang quarantine facility para sa mga residente ng Kabankalan City, Negros Occidental.

Ayon kay Public Works Secretary and Chief Isolation Czar Mark Villar, nai-turnover na ang ₱12.5 million na isolation and quarantine facility sa Kabankalan City.

Ang pasilidad ay may 16-room (container van) building, may aircon, comfort room para sa mga pasyente at magkahiwalay na quarters para sa mga babae at lalakeng nurse na may dalawang double-deck beds, air conditioning unit, at comfort room; nurse station; utility room; generator/power transformer; at tangke ng tubig.


Hindi lamang COVID patients sa lugar ang gagamit sa quarantine facilities kundi maging ang Locally Stranded Individuals o LSIs na kailangang sumailalim sa quarantine.

Facebook Comments