Bilang ng mga bagong gumaling sa bansa sa COVID-19, bahagyang tumaas

44

Nakapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng 392 na bagong gumaling sa bansa sa COVID-19.

1,557 naman ang bagong kaso at 22 ang bagong binawian ng buhay.


Umaabot na ngayon ang total COVID-19 cases sa bansa sa 566,420.

Ang aktibong kaso naman ay 30,970 habang ang total recoveries ay 523,321.

Ang total deaths naman ay 12,129.

Samantala, isa lamang ang naitala ng Department of Foreign Affairs (DFA) na bagong Pinoy na bagong tinaman ng COVID-19 sa abroad.



Wala namang naitalang bagong recovery at wala ring bagong binawian ng buhay.


Ang total COVID-19 cases ngayon sa hanay ng overseas Filipinos ay 14,872.

Ang active cases naman ay 4,491 habang ang total recoveries ay 9,366.

Ang total deaths naman ay nananatili sa 1,015.

Facebook Comments