Drew Arellano at Iya Villania, nakatanggap na ng first dose ng bakuna kontra COVID-19

45

Nakatanggap na ng first dose ng bakuna ang entertainment couple na sina Drew Arellano at Iya Villania.

Kasabay ito ng pagsisimula ng pagbabakuna sa A4 category group kung saan kabilang ang dalawa sa 50 representatives mula sa nasabing kategorya na ginanap sa Mall of Asia sa Pasay City ngayong araw.


Sa Instagram account ni Iya, ibinahagi nito ang mga larawan kung saan tumanggap siya ng bakuna na may caption na “COVID-19 vaccinated… Well, first dose at least.”

Kasama rin sa A4 category ang mga BPO industry, food delivery, government essential workers at iba pang empleyado mula sa pribadong sektor.

Facebook Comments