Pangulong Duterte, may panawagan kasabay ng pag-arangkada ng NCR+8 commitment ceremony at symbolic vaccination para sa A4 priority group

90

Umarangkada na kaninang umaga ang symbolic vaccination para sa A4 priority group ng pamahalaan sa Pasay City.

Sa kaniyang mensahe, nagbigay ng tatlong puntos si Health Sec. Francisco Duque upang tuluyan nang matapos ang COVID-19 sa bansa at matanggal na ang pagsusuot ng face mask at face shield, bago ang kapaskuhan.


Sa recorded video message naman ni Pangulong Rodrigo Duterte, binigyan-diin nito ang kahalagahan ng pagpapabakuna.

Kasabay ng ceremonial vaccination ay ang sabayang panunumpa naman ng ilang representante ng pribadong sektor bilang pakikiisa sa pagbabakuna ng pamahalaan.

Ilan sa mga A4 na nagpabakuna ngayon sa Pasay City ay ang mga nasa industriya ng food, media, BPO, transportation, turismo, mall personnels at Pasay LGUs.

Facebook Comments