Sinisimulan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang paglalatag ng mga programa para sa pagsagip ng mga batang-lansangan at katutubong pakalat-kalat sa kalsada.
Kasunod na rin ito ng maraming miyembro ng katutubo ang nagtutungo sa Metro Manila ngayong pasko.
Ayon kay DSWD Secretary Erwin Tulfo, mayroon na silang isinasapinal na mga programa na maaaring ipatupad sa mga susunod na linggo.
Kabilang aniya rito ang pagbibigay ng pagkakakitaan sa mga badjao para hindi na nila kailangang magtungo sa Metro Manila tuwing holiday season.
Uumpisahan na rin ng DSWD na iparehistro nang maayos ang mga katutubo sa mga lokal na pamahalaan upang mabigyan ang mga ito ng tamang benepisyo.
Facebook Comments