Softdrinks, hindi kabilang sa mga mino-monitor na mga produkto – DTI

Kinumpirma ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Region 12 na hindi bahagi ng kanilang monitoring ang presyo ng softdrinks.

Ito ay kasunod ng mataas o pagdoble ng presyo ng beverages sa South Cotabato at ilang lugar sa SOCCSKSARGEN.

Sinabi ni DTI-Region 12 Officer-in-Charge (OIC) Assistant Regional Director Rictoniel Reginio na kabilang lang sa kanilang monitoring at regulation ay ang basic at prime commodities o ang mga pangunahing bilihin ng mga consumer.


Kasunod nito, nilinaw rin ng opisyal na ang price increase sa softdrinks ay posibleng dahil sa kakulangan ng supply at pagtaas ng raw materials tulad ng asukal.

Facebook Comments