Muling pinagana ng Department of Trade and Industry (DTI) ang nasa 87% na Local Price Coordinating Council (LPPC) sa buong bansa.
Ito’y para tumulong sa pagbabantay ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa panahon ng La Niña.
Ayon kay DTI Assistant Secretary for Consumer Protection Atty. Amanda Nograles, reactivated na ang LPPC para tutukan at tumulong sa pag-monitor sa mga grocery store, supermarket at mga palengke.
Aniya, ang pagsasama ng DTI at Local Price Coordinating Council (LPPC) ay para matiyak na sumusunod ang mga negosyante sa pagbebenta sa tamang presyo ng bawat produkto o maiwasan ang illegal price manipulation.
Kung maaalala, una nang sinabi ng DTI na kanila ring mino-monitor ang hoarders o manggigipit naman sa suplay ng mga pangunahing bilihin sa pagdating ng tag-ulan.