DTI, tiniyak na walang pagtaas sa presyo ng paracetamol sa merkado

Tiniyak ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) na walang pagtaas sa presyo ng paracetamol sa mga botika.

Ito ay sa kabila ng mataas na demand sa nasabing gamot nitong mga nakalipas na araw.

Ayon kay Trade Undersecretary for Consumer Protection Ruth Castelo, bukod sa pagtitiyak ng replenishment ng supply sa merkado, siniguro rin sa kanila ng mga manufacturers at retailers na hindi magtataas ang presyo ng paracetamol.


Binigyang-diin ni Castelo na ang nangyaring shortage sa ilang drugstore nitong nakalipas na araw ay pansamantala lamang.

Iginiit din ng opisyal na balik na sa normal ngayong weekend ang supply ng paracetamol sa mga botika.

Facebook Comments