Bakuna para sa mga edad 5 hanggang 11 taong gulang, darating na ngayong buwan; Vaccination rollout sa mga ito, posibleng simulan na sa Pebrero

Nakatakda nang dumating ngayong buwan ang anti-COVID 19 vaccine para sa mga kabataang edad lima hanggang labing isang taong gulang.

Ito ang kinumpirma ni National Task Force (NTF) Against COVID-19 Special Adviser Dr. Ted Herbosa.

Ayon kay Herbosa, aabot sa 50-milyong dose ng Pfizer COVID-19 vaccine ang binili ng gobyerno na gagamitin sa pagtuturok sa mga nasa edad 5 hanggang 11.


Naunang sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje na target mabakunahan ang mga nasa nasabing edad sa unang linggo ng Pebrero.

Facebook Comments