Economic Charter Change, kailangang gawin para mapalago ang ekonomiya ng bansa

Iginiit ni House Speaker Martin Romualdez ang kahalagahan na maisakatuparan ang panukalang pag-amyenda sa mga economic provisions sa ating Konstitusyon.

Para kay Romualdez, ang economic Charter Change ay maituturing na ‘final piece of the puzzle’ para higit na mapalago ang ekonomiya ng Pilipinas.

Sabi ni Romualdez, sa ngayon, ang Saligang Batas ng Pilipinas ay isa sa pinaka-mahigpit o restrictive constitution.


Diin ni Romualdez, sa pamamagitan ng Cha-Cha ay mabubuksn ang ating ekonomiya at magkakaroon tayo ng kakayahang makipagkumpitensya sa iba pang ekonomiya sa ASEAN at Indo-China region.

Sa kasalukuyan ay puspusan na ang pagsasagawa ng public consultation ng House Committee on Constitutional Amendments kaugnay sa panukalang Cha-cha.

Ang pagtalakay ay sinimulan na ng House panel sa National Capital Region, kasunod sa Cagayan de Oro City na susundan ng Iloilo, San Fernando Pampanga at San Jose Del Monte Bulacan.

Facebook Comments