Mananatili ang paglago ng ekonomiya ng bansa sa huling bahagi ng taon.
Ito ay sa kabila ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at mga pangunahin bilihin at sa bahagyang adjustment sa Gross Domestic Product (GDP) growth ng bansa.
Batay rin ito sa ulat ng Development Budget and Coordination Committee’s (DBCC) sa isinagawang kauna-unahang face-to-face press conference matapos ang dalawang taong COVID-19 pandemic.
Sinabi ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman na lalago ang ekonomiya mula sa 6.5% hanggang 7.5% ngayong taon at hanggang 8% sa pagsapit ng 2028.
Ang paglago ng ekonomiya at mas mainam na tax administration sa bansa ang inaasahan pa rin ng mga bagong economic managers sa ilalim ng administrasyong Marcos para makalikom ng kailangan na pondo para sa mga programa ng pamahalaan.
Una na ring inihayag ni Department of Finance (DOF) Secretary Benjamin Diokno na magtutuloy ang pamamahagi ng fuel subsidy sa mga tsuper na lubos na naapektuhan ng pagtaas ng produktong langis.