Makati at QC, kapwa nakapagtala ng higit sa 100 bagong kaso ng COVID-19 kahapon

Dalawang lungsod sa National Capital Region (NCR) ang nakapagtala ng higit sa 100 bagong kaso ng COVID-19 kahapon.

Ito ay matapos makapagtala ng 143 new COVID cases ang Quezon City habang 107 naman ang bagong kaso sa Makati.

Samantala, narito ang naitalang bagong kaso sa iba pang bahagi ng Metro Manila


Manila – 89
Pasig at Taguig – 66
Parañaque – 57
Las Piñas – 45
Mandaluyong – 42
Marikina at Pasay – 26
Muntinlupa – 23
Caloocan – 22
Valenzuela – 13
San Juan – 9
Malabo – 6
Navotas – 4
Pateros – 3

Sa kabuuan, nasa 748 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa NCR mula sa 1,712 na bagong kaso na naitala sa buong bansa kahapon.

Facebook Comments