Face shields, hindi na kailangan sa lahat ng pampublikong transportasyon — DOTr

Nilinaw ng Department of Transportation (DOTr) na hindi na required ang pagsusuot ng face shield ng mga pasahero sa lahat ng pampublikong sasakyan.

Ayon kay DOTr Undersecretary Artemio Tuazon Jr., alinsunod ito sa kautusan ng Inter-Agency Task Force (IATF) na boluntaryo na lamang ang pagsusuot ng face shield sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1, 2, at 3.

Sa bagong panuntunan sa face shield, ang mga nasa Alert Level 5 at granular lockdown lamang ang required na magsuot ng face shield.


Habang ang Local Government Units (LGUs) at pribadong establisyimento ang masusunod ang mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 4.

Paalala ni Tuazon, mananatili sa 70 percent ang passenger capacity sa public utility vehicles (PUVs) at ipinagbabawal pa rin ang pakikipag-usap at pagkain sa loob nito.

Facebook Comments