
Nilinaw ng Malacañang na hindi idineklarang holiday ang Pebrero 18, 2026 sa kabila ng inaasahang pagsisimula ng Ramadan ngayong Miyerkules.
Ayon kay Atty. Claire Castro, Palace Press Officer, walang inilabas na proklamasyon ang pamahalaan na nagsasabing special non-working holiday ang nasabing petsa.
Ang Pebrero 18 ang inaasahang unang araw ng Ramadan ngayong taon, na ika-siyam na buwan sa Islamic lunar calendar.
Kasabay din ito ng Ash Wednesday, na hudyat ng pagsisimula ng Kuwaresma o Lent para sa mga Katoliko at maraming Kristiyano.
Facebook Comments










