Kinumpirma ng Filipino community sa Hong Kong ang patuloy na pagbuhos ngayon ng supply ng pagkain mula sa mainland China.
Kabilang dito ang mga tone-toneladang sariwang gulay at mga karne mula sa mainland China.
Nakiusap naman sa publiko ang pamahalaan ng Hong Kong na iwasang mag-hoard o mag-panic buying ng grocery items at iba pang mga bilihin.
Sa ngayon, 85% ng supply ng pagkain sa Hong Kong ay mula sa mainland China.
Ayon sa Filipino community sa Hong Kong, nakahinga sila ng maluwag lalo na ang Overseas Filipino Workers (OFWs) na nakasalalay sa food allowance ng kanilang employer.
Facebook Comments