Hong Kong, “kalmado” na matapos ang ilang araw na panic buying

Kinumpirma ng Filipino community sa Hong Kong na wala nang nagaganap ngayon na panic buying.

Ito ay dahil sa nagkaroon na aniya muli ng supply ng mga pagkain sa grocery stores doon.

Sinabi sa DZXL RMN News ni Elsie Aquino, isang Overseas Filipino Worker (OFW), na nabuhayan sila ng loob dahil nagkaroon na ng laman ang grocery stores doon.


Gayunman, hindi pa rin bumababa ang kaso ng COVID-19.

Patuloy aniyang gumagawa ng paraan ang Hong Kong government para matugunan ang mga pangangailangan ng mga COVID patient, kasama na rito ang mass testing sa lahat ng sektor.

Facebook Comments