12 LUGAR SA ISABELA, ZERO CASES NA SA COVID-19

40
Cauayan City, Isabela- Nasa labindalawang (12) lugar sa Isabela ang COVID-19 Free batay sa datos na inilabas ng Provincial Information Office ngayong araw Marso, 07, 2022.

Kinabibilangan ito ng Bayan ng Burgos, Cabatuan, Dinapigue, Divilacan, Maconacon, Palanan, Reina Mercedes, San Guillermo, San Isidro, San Pablo at Sto. Tomas.

Samantala, nasa limang (5) bayan naman sa Isabela ang nakapagtala ng dagdag na panibagong kaso ng Covid-19 na kinabibilangan ng Aurora, Cabagan, Echague, Luna at San Mateo.

Sa kasalukuyan, nasa anim na pu’t-isa (61) naman ang kabuuang aktibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan at 2,242 ang bilang ng Covid-19 related Death.

Facebook Comments