Findings ng DOJ sa 52 kaso ng drug related deaths, maaaring gamitin ng International Criminal Court

Nakadepende na sa International Criminal Court (ICC) kung gagamitin nila ang inilabas na findings ng Department of Justice (DOJ) sa 52 na kaso ng drug related deaths na nagdadawit sa higit 150 na pulis.

Sa interview ng RMN Manila, inihayag ni DOJ Undersecretary Adrian Sugay na ito ay kung may makukuha ang ICC sa kanilang findings at kung umaayon ito sa ginagawa nilang sariling imbestigasyon sa sinasabing Extrajudicial Killings (EJK) sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Kasunod nito, nababagalan naman ang dating pangulo ng Integrated Bar of the Philippines sa pag-iimbestiga ng DOJ lalo na’t 52 pa lamang ito mula sa higit 6,000 na nasawi sa drug operations.


Ayon kay dating IBP President Atty. Domingo Cayosa, sinusuportahan lamang nito ang alegasyon ng mga nagreklamo sa ICC na ayaw ng ating pamahalaan na imbestigahan ang mga pagpatay.

Sa 52 na kasong nirebyu ng DOJ, 37 dito ang nangyari sa buy-bust operations kung saan sinasabing nanlaban ang mga suspek

Facebook Comments