Mga pulis na sangkot sa drug related deaths, dapat mapanagot ng DOJ – NUPL

33

Umaasa ang National Union of People’s Lawyers na mapapanagot talaga ang mga pulis na sangkot sa pagkamatay ng mga biktima sa 52 na kaso ng drug related deaths na natapos na nilang aralin.

Sinabi ni Atty. Kristina Conti ng NUPL sa interview ng RMN Manila na wala naman kasing ginawang rekomendasyon ang Department of Justice (DOJ) matapos nilang ilabas ang findings sa drug war.

Ayon kay Conti, hindi nililinaw ng DOJ kung ano ang nararapat na kasong isasampa sa mga napatunayang sinadya ang pagpatay sa mga suspek habang nasa operasyon.


Una nang nanawagan ang DOJ sa mga testigo na makipagtulungan sa kanila para maidiin at mapanagot ang mga pulis kung may mga naging paglabag ang mga ito.

Facebook Comments