Gat Andres Bonifacio Hospital, pansamantalang naglimita ng pasyenteng tatanggapin sa ER

17

Pansamantalang lilimitahan ang mga pasyenteng tatanggapin sa Emergency Room o ER ng Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center sa Delpan, Tondo.

Base sa memorandum na inilibas ng pamumunuan ng ospital, ipapatupad ito mula ngayong araw hanggang sa alas-8:00 ng umaga sa Sabado, May 29.


Ito ay para bigyang daan ang terminal cleaning at disinfection sa ER ng ospital.

Facebook Comments