5 patay habang 300,000 pamilya, apektado ng bagyo sa India

74

Umabot sa limang indibidwal ang nasawi habang tatlong daang libo naman ang nawalan ng tirahan matapos manalasa ang Bagyong Yaas sa India.

Ayon kay West Bengal Chief Minister Mamata Banerjee, dalawa ang naitalang nasawi sa West Bengal, dalawa sa Odisha at isa sa Bangladesh.


Aniya, kasalukuyang nanunuluyan ang mga apektadong residente sa 14,000 cyclone centers.

Ang Bagyong Yaas ay may bilis na 96 milya kada oras o katumbas ng dalawang bagyo.

Facebook Comments