Gawang Pinoy na designer bags, pwede ring gamitin sa formal at casual na okasyon

Maraming Pinoy ngayon ang may talento sa pagdisenyo at paglikha ng mga bags na pwede rin namang iregalo sa mga mahal sa buhay.

Kagaya na lamang ng produkto ng Alzano PH na pag-aari ng designer na si Nio Manzano na tampok ngayon sa interview ng bagong programang Business as Usual dito sa Radyo Trabaho.

Kwento ni Nio, ang designer leather bags na kanilang ibinebenta ay pwedeng gamitin kahit sa casual o pormal na okasyon.


Pero bago ito, nagsimula raw ang kaniyang negosyo noong kalagitnaan ng lockdown dahil sa pandemic kung saan natigil din ang kaniyang mga gigs.

Naging madali na rin sa kaniya ang pagdisenyo ng mga ganito lalo na’t halos 11 taon na siyang nasa fashion industry.

Facebook Comments