Bagong kasal na sina Rocco Nacino at Melissa Gohing, wala pang planong magka-baby

Napagdesisyunan ng newly weds na sina Rocco Nacino at Melissa Gohing na huwag munang magkaroon ng baby.

Ayon kay Rocco, gusto pa raw ni Melissa na magpatuloy sa paglalaro ng volleyball at iginagalang naman niya ito.

Say pa ni Rocco, suportado niya ang asawa at hihintayin ang panahong handa na itong magkaanak.


Dagdag pa ng aktor, nag-e-enjoy nila ang buhay mag-asawa dahil mas nadidiskubre pa nila ang isa’t isa.

Facebook Comments