Gentle Hands Executive Director Charity Graff, sinampahan ng kasong kidnapping

Sinampahan ng kaso sa Quezon City Prosecutors’ Office ang opisyal ng Gentle Hands Inc. (GHI) ina ng sinasabing kinidnap na anak.

Kasong kidnapping ang isinampa ng ina ng bata laban kay Charity Graff, Executive Director ng bahay ampunan dahil sa kabiguan nitong maibalik sa ina ang kanyang anak.

Sa limang pahinang reklamo sa korte, inakusahan ng ina ng bata si Graff na kumidnap umano at bigong ibalik sa kanya ang kanyang anak na malinaw na paglabag sa Article 270 ng Revised Penal Code.


Sa court record, ipinasok ng ina sa ampunan ang anak noong January para lamang sa isang buwan na pamamalagi dito dahil siya ay isang single parent at walang mag-aalaga sa bata, pero mula noon ay hirap na siyang makita ang anak at kalaunan ay ayaw ng ibigay sa kaniya.

Binigyang diin ng complainant na dahil sa paghihiwalay sa kanya ni Graff sa anak ay lumubha ang kanyang trauma at nawalan na ng pag-asa sa buhay.

Sinabi ng complainant na isa ang kanyang anak sa mga batang nasa ampunan na naisalba ng mga awtoridad makaraang maipasara ang ampunan.

Noong May 26 lamang sa tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay naibalik sa kaniya ang kanyang anak.

Facebook Comments