Girlfriend ng pinatay na lady driver sa Laguna, dinukot umano ng mga armadong kalalakihan

221

Iniimbetigahan na ng Laguna Provincial Police ang umano’y pagdukot ng mga armadong lalaki sa girlfriend ng pinaslang na lady driver na si Jang Lucero sa Calamba, Laguna.

Base sa report, kinidnap sa loob ng kaniyang bahay si Meyah Amatorio sa Barangay Calo, Bay, Laguna.

Sa pahayag ni Laguna Police Public Information Office Chief Police Lt. Col. Citadel Gaoiran, nasa sampung armadong lalaki ang puwersahang kumuha kay Amatorio at isa pa niyang kaanak na nasa compound.

Ayon pa kay Gaoiran, kinilala ang nasabing kaanak na dinukot din na si Adrian Ramos y Amatorio.

Sinasabing ang mga kaanak ni Amatorio ang siyang nag-report ng insidente sa mga otoridad kung saan agad na inaalam kung sino o kung anong grupo ang responsable sa krimen.

Facebook Comments