Kinilala ng independent mobile analytics firm Opensignal ang nangungunang digital solutions platform Globe bilang ‘Global Rising Star’ sa ikatlong sunod na taon sa 2022 Global Mobile Network Experience Awards report nito.
Ang Globe ay nag-excel sa limang kategorya: 4G Availability, Video Experience, Voice App Experience, Download Speed Experience, at Upload Speed Experience.
Sinamahan ng Globe ang top 30 operators sa buong mundo, na ginawaran ng Opensignal 2022 Global Rising Star status dahil sa pagkakaroon ng “mabilis na progreso sa pagpapahusay ng experience ng kanilang users sa loob ng maikling panahon.”
Sa pagitan ng second half ng 2020 at ng kaparehong panahon noong 2021, ang Globe ay nagposte ng 6.6% improvement sa 4G Availability laban sa global average na 0.7%.
Ang Video Experience results ng Globe ay tumaas ng 17.4%, lubhang mataas sa global average na 3.5%.
Nagtala rin ito ng 8.6% pagtaas sa Voice App Experience, angat sa 1% global mean score.
Gayundin ay tumaas ang Download at Upload Speed Experience ratings ng kompanya ng 51.3% at 36.5%, ayon sa pagkakasunod, kumpara sa worldwide average na 28% para sa download at 20.9% sa upload.
“We continue to deliver on our promise of having a #1stWorldNetwork. Even as the country’s ranking based on internet speed has improved significantly, we shall continue to focus on the overall quality of experience using our network. We are intent on further enriching our customers’ digital experience with essential life services like education, health and fintech,” wika ni Ernest Cu, Globe President and CEO.
Noong 2021, in-upgrade at in-expand ng Globe ang 22,300 mobile sites sa 4G LTE, nagtayo ng mahigit 2,000 5G sites at in-building solutions, gayundin ng 1,407 bagong 4G LTE cell sites, at naglatag ng 1.4 million fiber-to-the-home lines.
Ngayong taon, ang Globe ay naglaan ng P89 billion para sa capital expenditures nito upang magtayo ng mga bagong cell tower, i-upgrade ang mga umiiral na sites sa 4G LTE, pabilisin ang rollout ng 5G at palawakin ang fiberization ng Filipino homes sa buong bansa.