Pagbabalik ng mga balota sa Konsulada ng Pilipinas sa New York, pinamamadali na sa Filipino community doon

Hinihimok ng Philippine Consulate General sa New York, ang mga Pilipino absentee voters doon na i-drop na sa konsulada ang kanilang mga balota.

Ito ay para mapasama sa bilangan ng boto sa Lunes, May 9

Sa Lunes din ang huling pagboto ng overseas absentee voters sa iba’t ibang bansa


Nilinaw din ng Philippine Consulate na hindi nag-de-deliver ng ballot envelopes ang United States Postal Service kapag weekend.

Tiniyak din ng Konsulada ng Pilipinas sa New York na magiging bukas sila 24/7 para sa pagtanggap ng ballot envelopes.

Facebook Comments