Grupong PAMALAKAYA, dudulog sa UN para hilingin na ipawalang bisa ang Chinese Coast Guard Law

Dudulog na ang grupong PAMALAKAYA sa United Nations Permanent Court for Arbitration para igiiit ang pagpapawalang bisa sa Chinese Coast Guard Law.

Ayon kay Fernando Hicap, Chairperson ng PAMALAKAYA, ginagawa na nila ang draft ng kanilang petisyon at maaaring sa susunod na linggo ay maipaabot na ito sa UN.

Bagama’t hindi pa aniya umiiral ang nasabing batas ng China, nakakabahala ang hakbang na ito dahil lalong mahihirapan ang mga mangingisdang makapaghanapbuhay sa sariling karagatan.


Mula aniya noong 2012 nang okupahin ang isla sa West Philippine Sea.

2019 nang magpatupad ng fishing ban ang China , kung saan naapektuhan na ang kanilang hanapbuhay.

Facebook Comments