Halaga ng pinsala ng Bagyong Agaton sa sektor ng agrikultura, umabot na sa ₱2.8-B

Umabot na sa ₱2.8-B ang halaga ng pinsala na iniwan sa sektor ng agrikultura ng Bagyong Agaton.

Base sa inilabas na ulat ng Department of Agriculture (DA), nasa mahigit 64,500 na magsasaka at mangingisda ang apektado sa Bicol Region, Western Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Davao Region, Soccsargen at Caraga.

Mahigit 31,600 ektarya ng agricultural areas naman ang nasira ng bagyo at halos 90,000 metric tons naman ang production loss.


Kabilang sa mga naapektuhan ay ang mga pananim na palay mais, at mga high value crops.

Asahan pang tataas ang halaga ng pinsala habang nagsasagawa pa ng assessment ang DA-DRRM Operations Center.

Sa ngayon, nakatakda nang ipamamahagi ang ₱723.07-M pondo ng DA para tulungan ang mga apektadong magsasaka at mangingisda.

Facebook Comments