Philippine Consulate General sa New York, pansamantalang sinuspende ang kanilang consular operations

70

Matapos na maraming staff ng Konsulada sa New York ang nagpositibo sa COVID-19 at ang iba naman ay na-expose sa mga na-infect ng virus, pansamantalang itinigil ang kanilang operasyon.

Sa kabila nito, tiniyak ni Philippine Consulate General Elmer Cato na tuloy pa rin ang absentee voting sa konsulada at tuloy lang din ang pamamahagi nila ng mga balota.

Ayon pa kay Cato, kahit iilan lamang ang naka-duty ngayon na staff ng Philippine Consulate ay titiyakin nilang hindi mapaparalisa ang pagboto ng Filipino Community doon


Facebook Comments