Umakyat na sa ₱27.28-M ang halaga ng pinsala sa agrikultura ang idinulot ng mga pagbaha sa Ifugao at Sultan Kudarat at Zamboanga del Sur.
Batay sa datos ng Department of Agriculture o DA-DRRMO, nasa 1,490 magsasaka na ang naapektuhan habang aabot sa 1,303 na ektarya ng lupain ang lawak ng pinsala.
Ang napinsala ay katumbas i ng 928 metric tons ng produksyon ng palay, mga high-value crops at iba pang pananim. Kasama rin dito ang pinsala na iniwan sa paghahayupan.
Asahang tataas pa ang halaga ng pinsala habang nagpapatuloy ang validation ng mga field offices ng DA sa halaga ng pinsala.
Inaalam na rin ang pinsala sa sector ng agri-fisheries sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga local government units at disaster risk reduction management offices.
Tiniyak naman ng DA na may nakahandang pondo ang ahensya upang bigyan ng tulong ang mga magsasaka para sa pagre-rehabilitate ng kanilang mga nasirang sakahan.