Health professionals na nagpapakalat ng impormasyon na hindi ligtas ang COVID vaccines, inupakan ng DOH

Inupakan ng Department of Health (DOH) ang health professionals na nagpapakalat ng video na nagsasabi na hindi ligtas ang COVID-19 vaccines.

Partikular dito ang video ni Dr. Romeo Quijano na ayon sa DOH ay iresponsable lalo na ngayong nahaharap ang bansa sa seryosong banta ng Delta variant.

Ayon sa DOH, mismong buong mundo na ang nagpapatunay na ang mga nabakunahan kontra COVID ay nakapagpababa ng bilang ng mga nao-ospital at namamatay dahil sa infection.


Inupakan din ng DOH ang media outlets na nagpapagamit sa health professionals sa pagpapakalat ng walang basehang impormasyon na naglalayong lituhin ang publiko at umatras sa pagpapabakuna.

Facebook Comments