APAT NA SASAKYAN AT GASOLINE STATION, NAPINSALA DAHIL SA PAGGUHO NG LUPA SA SAN FERNANDO CITY

LA UNION – Apat na sasakyan at isang gasoline station ang napinsala sa naganap na pagguho ng lupa sa Brgy. Sevilla San Fernando City La Union.

Ayon sa City Disaster Risk Reduction and Management Office, pasado alas tres ng madaling araw kahapon nang mangyari ang landslide kung saan apektado ang tatlong tricycle, isang motor at ang gasoline station.

Sinabi din ng kagawaran na wala namang nasaktan na mga residente dito. Puspusan na ang isinasagawang clearing operations ng lokal na pamahalaan at ang halaga ng pinsala ng pagguho ng lupa.


Patuloy na Inaalam ng otoridad ang dahilan ng pagguho ng lupa sa naturang lugar

Facebook Comments