Higit 100 Pinoy, nananatili pa rin sa Ukraine

Nasa 116 pang mga Pilipino ang nananatili sa Ukraine sa gitna ng nagpapatuloy na pananakop ng Russia.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Sarah Lou Arriola, 27 mga Pilipino kabilang ang 21 seafarers ang kinailangang lumikas sa Moldova at nakatawid na sa Bucharest, Romania para sa flight pauwi ng Pilipinas.

15 pinoy naman ang nasa Hungary, siyam sa Austria at apat sa Romania.


Sa ngayon, 19 na ang napauwi sa bansa habang ilang Pilipinong nakapag-asawa ng Ukrainian national ang nanatili roon sa kabila ng nangyayaring gulo.

Samantala, 200 Pinoy seafarers din ang stranded sa Black Sea.

Ayon kay Arriola, nag-iingat kasi na maglayag ang mga barko lalo’t dalawang cargo ship na ang tinamaan ng pagsabog.

Muli namang hinikayat ng DFA ang mga Pilipino sa Ukraine sa umuwi na sa Pilipinas sa halip na lumipat sa ibang bansa sa Europa kung saan dagsa na rin ang maraming refugee.

Facebook Comments