Pinakamalaking nuclear power plant sa Europa, nasusunog!

Nasusunog ngayon ang Zaporizhzhia Nuclear Power Plant sa Ukraine kasunod ng pag-atake ng tropa ng Russia.

Ang nasabing nuclear power plant ay ang pinakamalaki sa buong Europa.

Ayon kay Energodar Mayor Dmytro Orlov, nagkaroon ng matinding labanan sa pagitan ng local forces at Russian troops kung saan mayroon ding mga nasawi.


Maliban dito, wala nang ibinigay na ibang detalye si Orlov.

Una rito, iniulat ng mga otoridad sa Ukraine na sinisikap ng Russia na maagaw ang planta at pinasok ang bayan na may dalang mga tangke ng militar.

Ito na ang ika-siyam na araw na bakbakan sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Facebook Comments