Umaabot sa higit 3,000 pasahero ang stranded sa ilang mga pantalan dahil sa Bagyong Odette.
Partikular sa mga pantalan na sakop ng Bicol Region, North Eastern Mindanao, Eastern, Western at Central Visayas.
Nasa 3,440 na pasahero ang naitalang stranded kabilang na rito ang mga driver at cargo helpers.
Stranded din ang nasa 1,665 na rolling cargoes, 78 na vessels at 11 motorbancas.
Pansamantala namang hindi nakabiyahe at nakisilong sa ibang pantalan ang nasa 222 na vessels at 163 motorbancas upang maging ligtas sa epekto ng bagyo.
Nakahanda naman na ang Deployable Response Group ng Coast Guard para sa posibleng paglikas at pagtulong sa mga maapektuhan ng bagyo sa pakikipag-ugnayan na rin sa mga lokal na pamahalaan.
Facebook Comments