Ibang tourism activities sa Taal, bawal na muna – DOT

Courtesy: TTG Asia

Inabisuhan ng Department of Tourism (DOT) ang publiko tungkol sa pagbisita sa mga tourist destination sa mga lugar malapit sa Bulkang Taal.

Ipinagbabawal na muna ang boating at iba pang tourism-related activities sa Lawa ng Taal lalo na ang papasok sa Taal Volcano Island, pagbisita sa main crater nito at sa Daang Kastila fissures.

Ayon sa DOT, generally safe naman ang iba pang tourism site na nasa labas ng permanent danger zone.


Samantala, nakataas pa rin sa Alert Level 1 ang Bulkang Taal kaya’t pinaalalahanan ng DOT ang mga turista na maging updated sa mga balita at impormasyon tungkol sa pag-aalburoto ng bulkan.

Facebook Comments