MAG IINA SUGATAN, MATAPOSMABANGGA NG KOTSE ANG SINASAKYANG TRICYCLE SA SAN JACINTO, DRIVER AMINADONG NAKATULOG

Agad na isinugod sa pagamutan ang tatlong mag iina matapos magtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng mabangga ng isang kotse ang sinasakyan nilang tricycle sa bayan ng San Jacinto.
Naganap ang aksidente pasado alas tres ng hapon sa Brgy. San Guillermo sa nasabing bayan ng tumigil ang tricycle na minamaneho ng isang Silvestre Velasco kasama ang kanyang maybahay at dalawang anak ng tumigil sila upang bumili sana ng laruan para sa mga anak.
Dito na nabangga ang tricycle ng isang kotse na minamaneho ng isang Hilario Navalta at nagtamo ng sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan ang mga sakay ng tricycle.

Agad naman silang naisugod sa pagamutan at patuloy na inoobserbahan habang napag alaman sa imbestigasyon ng PNP na nakatulog ang driver ng kotse ng maganap ang aksidente bagay na inamin nito sa mga kapulisan.
Inaalam pa ngayon kung ano ang magiging hakbang ng pamilya ng mga biktima. |ifmnews
Facebook Comments