Iba’t ibang environmental groups, nagkilos-protesta sa Mendiola, Maynila

Nagsagawa ng kilos-protesta ang iba’t ibang environmental at fisherfolk groups sa Mendiola, Manila ngayong araw, September 7.

This slideshow requires JavaScript.

Ito ay para ipanawagan na maglabas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ng executive order para ganap na isuspinde ang reclamation projects sa Manila Bay.


Ayon sa PAMALAKAYA, malinaw na walang ngipin ang suspension order ni Pangulong Marcos Jr., dahil nagpapatuloy pa rin ang reclamation at dredging activities sa iba’t ibang bahagi ng Manila Bay.

Giit pa ng grupo, isang buwan na ang nakalipas matapos ideklara ng pangulo na ‘suspended’ ang mga proyekto, pero wala pa ring pormal na dokumentong maglalahad ng detalye tungkol sa naturang suspensyon.

Nanawagan din ang mga grupo na palabasin ang dalawang anti-reclamation activists na sina Jonila Castro at Jhed Tamano, na dinukot sa Bataan noong September 2.

Facebook Comments