Driver’s license ni Wilfredo Garcia, kinansela ng LTO

Dalawang taon ang ipinataw na suspension ng Land Transportation Office (LTO) sa lisensya sa pagmamaneho ni Wilfredo Gonzales, ang dating pulis na nambatok at nanutok ng baril sa isang siklista.

Ito ang kinumpirma ng LTO Communication Center.

Hindi pa naman naisisilbi ang suspension order kay Gonzales.


Magugunita na binigyan ng pagkakataon ng LTO-NCR si Gonzales na magpaliwanag ngunit hindi niya sinipot ang pagdinig.

Facebook Comments