Makalipas ang 7 taon, dumalo si dating Philippine National Police – Special Action Force o PNP-SAF Commander Police Major General Getulio Napeñas sa ika-7 taong paggunita ng pagkasawi ng 44 na pulis na miyembro ng SAF.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na dumalo si Napeñas sa “Day of National Remembrance for the Heroic Sacrifice of SAF 44”.
Si Napeñas ang tumatayong hepe noon ng PNP-SAF at isa nga sa mga nagplano ng Oplan Exudos sa Mamasapano noong January 25, 2015 upang hulihin ang teroristang si Zulkifli Bin Hir alias Marwan pero napatay ito.
Dahilan para bakbakan naman ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang grupo ng PNP-SAF na kasama sa nasabing operasyon, kung saan nasawi ang 44 sa kanila.
Samantala, dumalo rin si Justice Secretary Menardo Guevara kung saan pinangunahan nito ang wreath laying ceremony sa SAF 44 Monument na nasa loob ng Camp Bagong Diwa, Lungsod ng Taguig.
Tulad noong nakaraang taon, binigyan ng 21-gun salute ang SAF 44.