Mga naarestong lumabag sa gun ban, umabot na sa 370

64

Nadagdagan pa ang bilang ng mga naarestong indibidwal na lumabag sa umiiral na election gun ban.

Batay sa datos ng Philippine National Police (PNP) mula alas-6:00 ngayong umaga, January 25, 2022, umabot na sa 370 mga gun ban violator na naaresto.

Ito’y mula sa 343 na naitala lamang kahapon.


Samantala, nakapagtala na ang PNP ng 42,927 checkpoints mula noong January 9 nang magsimula ang gun ban paghahanda para matiyak na magiging payapa at maayos ang gaganaping eleksyon sa Mayo.

Magtatagal ang gun ban hanggang June 8, 2022.

Facebook Comments