Ilan pang kurso sa bansa, pinayagan na ring magsagawa ng limited face-to-face classes ni Pangulong Duterte

Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalawak ng limited face-to-face classes sa mga kursong kailangan ang hands-on experience o aktwal na karanasan.

Ayon kay Commission on Higher Education (CHED) Chairman Prospero de Vera, kabilang sa inaprubahan ng pangulo na kailangan ng hands on experience ay ang Engineering and Technology programs, Hospitality/Hotel and Restaurant Management, Tourism/Travel Management, Marine Engineering at Marine Transportation.

Aniya, agresibo nilang isinusulong na mabakunahan na ang lahat ng school personnel gayundin ang mga mag-aaral bilang proteksyon sa COVID-19.


Kasabay nito, nagpasalamat naman si De Vera sa pangulo matapos aprubahan ang kanilang rekomendasyon para sa limited face-to-face classes

Facebook Comments