Pagpapalit o pagtanggal ng expiration date ng isang produkto, labag sa batas – DOJ

Iginiit ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra na labag sa batas ang pagpapalit o pagtanggal ng expiration date ng isang produkto.

Ito ay kasunod ng pahayag ni Pharmally Pharmaceuticals Corporation Executive Krizle Grace Mago sa pagdinig ng Senado na binago niya ang expiration date ng mga face shield na dinala nila sa Department of Health (DOH).

Ayon kay Guevarra, paglabag ito sa Consumer Act of the Philippines at maaaring makulong, makasuhan o parehong kaharapin ng sinuman na mapapatunayan guilty sa ganitong gawain.


Sa ngayon, hinihintay na lamang ng DOJ na may magreklamo sa kanila patungkol sa Pharmally para masimulan na nilang mabusisi ang naturang isyu.

Facebook Comments